Wednesday, November 14, 2007

IN MY OPINION: PINOY = ALCOHOLIC

There was a survey conducted by synovate pax media study 2007 in over 11 markets in the Asia-Pacific, including Southeast Asia. Respondents ranges from 25 to 64 years of ages.

Based on the survey, 30% of the Philippine respondents’ alcohol consumption was devoted to local beer, higher than Bangkok’s 22.8%, Kuala Lumpur’s 17%, Singapore’s 15%, and Jakarta’s 4.8%. The Manila result was higher than Taipei’s 26.8%, Hong Kong’s 20.7% and India’s 1.9%, although it was significantly lower than Sydney’s 51%, Melbourne’s 48%, and Seoul’s 46.2%.

source: http://www.bworldonline.com/BW103107/content.php?id=002




Alam niyo sa totoo lang hindi ako naniniwala na tayong mga Pilipino ay mga lasingero. Hindi naman porke't mahilig uminom ang mga Pilipino e lasingero at lasingera na ang mga ito.

Para sa akin, ang mga Pilipino ay lubhang manginginom lamang at hindi mga lasingero't lasingera. Opo, para sa akin magkaiba ang salitang lasingero't lasingera sa manginginom.

Maaaring merong magsabi sa inyo na pwede naman umayaw kung niyayaya, aba e kasalanan ba naman natin na tayong mga Pilipino ay hindi marunong tumangi dahil ayaw nating magkaron nang sama nang loob sa atin ang taong nagaya sa atin. Masyado kasi tayong mabait para makasakit nang damdamin nang tao.

Tsaka diba ang lasingero't lasingera e kung makainom ay parang wala nang bukas. Naniniwala ako na hindi naman tayo ganun, alam natin kung ilang bote nang alak ang kailangan. Hindi din naman tayo umiinom nang parang wala nang bukas. In short, tayo'y mga moderate drinker lamang.

Kaya sana naman ay hindi tayo mabansagang lasingero't lasingera dahil lang sa paginom natin na kahit minsan ay walang okasyon.

Iba ang ibig sabihin nang ALCOHOLIC sa DRINKER.

0 comments: