Tuesday, May 22, 2007

Anong Kwento?

1. anung kwento ng pangalan mo?

> Ma. Angieline F. Vianzon, seriously I don't know the story behind the name. All I'm guessing is that Ma. was an acronym of Maria, which is obviously a religious name that came from Mama Mary. And as for the Angieline, oh well next question. hahaha! Sorry, I really don't have an idea.

2. anung kwento nung 7th birthday mo?

> 7th Birthday? If my memory serves me right I would probably having a blast on my 7th birthday. Malamang super party, lagi naman tuwing meron akong birthday e. I'm a brat, oh yes! Not just a Daddy's little girl but also a Mommy's girl.

3. anung kwento nung last bday mo?

> Actually walang matinong plans noong last birthday ko. Kasi naman I'm 20 na kaya. Yung unang plan, pinapupunta ako ni Papa sa bahay nila sa Makati kaya lang hindi natuloy kasi nga it's on a Sunday meron akong pasok the next day, sayang! E sakto kakauwi lang nang pinsan ko na galing Japan kaya nag-treat siya sa Marikina. Hahaha! Isa akong masweteng bata, birthday ko pero hindi ako naglabas nang pera. wohooo. Hahaha!

4. anung kwento ng 1st lovelife mo?

> Tinatanong pa ba yan. Malamang still going strong and counting for eternity. Michael [hubby] is my first lovelife, syempre hindi ko na sinama sa bilang yung mga puppy love and crushes noh. Siya talaga ang first major and serious love ko. Come on, 6 years and 8 months of pain and happiness, and still counting. wohooo!

5. anung kwento ng lovelife mo ngayon?

> refer to question 4.

6. anung kwento ng cellphone mo?

> I got my own phone when I was in 2nd year highschool, Yes! Own phone. Kasi I was sharing a phone with my cousin during my grade school until 1st year of highschool and the phone we are using back then was Ericsson [I don't know what model]. So yeah, my first very own phone was a Nokia 5110 pero ilang months lang pinalitan na din nila nang Nokia 3210 then after a year napalitan ulit nang Nokia 8250. Kaya nong 3rd year highschool ako 2, actually 3 kasama yung 3210 but I rarely use it since I got a new phone na nga. Anyway, kaya naging tatlo kasi yung 3210, 8250 and yung gift sa akin ni hubby na 5210. Napalitan na lang yung phone ko when I was on my sophomore years sa college kasi pinadala ni mama yung Nokia 3650 niya na phone. Then after a year ulit pinadala naman niya yung Nokia 6670 siya. So ayun, hanggang ngayon yung 6670 pa din ang gamit ko. Ang crappy na nga nang phone na yun e, kaya lang dahil nga sa graduating ako ayaw muna ako bilan nang new phone kasi nga super gastos sa school. Hahaha! There you go, ang storya nang cellphone ko.

7. anung kwento ng computer mo?

> It's a Dell Notebook Inspiron 600m. Gift sa akin nang mom ko, saya nga kasi super personalized nang notebook ko. Kasi every specs is handpicked by my mom. Pero as for now I can't say that it's all mine because I'm sharing it with my sister kawawa kasi wala siyang sariling computer, ayaw siya bilan ni mama kasi burara daw. So ayun, but I have a goal that I would buy my own notebook kapag meron na ako work. Hahaha! Oh gawd, I'm so bored.

8. anung kwento ng kwarto mo?

> I don't have my own room. I'm sharing a room with my sister kaya magulo ang kwarto. Things here and there. Ok, wala masyado kwento about our room.

9. anung kwento mo last christmas?

> Nong Christmas Eve, malamang nagsimba ako with family and hubby paguwi namin kumain kami tapos konting party sa bahay pagtapos natulog na. Pero the next day, nagpunta kami sa VLuna [a little tradition every Christmas]. And the rest I can't remember.

10. anung kwento last valentines' day?

> Super hindi ko na maalala. Pero ang alam ko lang I was dead tired from school works. Meron small party sa bahay hanapan nang ka-pair na puso then exchange gift. The usual valentine's day party na meron kami sa bahay. Wala kaming date ni hubby kasi after 2 days monthsary namin kaya pinagsabay na lang namin yung valentine's and monthsary nong Feb. 16. Hahaha! Tag-hirap ba? Hindi naman masyado.

11. anung kwento ng chinelas na suot mo ngayon?

> Wala akong suot na slippers, palaboy ako. Hahaha! Hindi pero serious wala akong suot na slippers kasi nasa loob ako nang kwarto. Pero the slippers that I'm using was a gift from my stepmom, uwi niya galing pa ata nang Singapore. Hindi ko na matandaan kung saan galing yun pero it was a gift.

12. anung kwento mo nung una mong nakita yung crush mo?

> Wahahaha! Kung first crush ang tinutukoy, syempre no comment ako nong unang beses ko siya nakita kasi he's my classmate tapos ka-dance group ko pa siya noon. He's also the choreographer dun sa group namin. Oh gawd! Kamusta naman at naaalala ko pa din, kasi namin grade school years pa yung first crush ko noh. Hayyy, ewan! Pero kung yung crush ko ngayon ang pag-uusapan, hindi ko pa siya nakikita sa personal e. But don't worry I'll meet him someday. Hahaha! Kamusta naman kasi Hollywood actor ito noh.

13. anung kwento ng nanay mo tungkol kay santa claus?

> Sa totoo lang wala siyang kwento tungkol kay Santa kaya hindi din ako naniniwala kay Santa. Oh! Sorry Santa Clause. Kasi ang alam ko sila mom and dad ang Santa Claus e, they're the one wh give us gift during christmas. Mas masaya nga e, kasi magkaiba regalo nila kasi nga separated sila. Ayun lang.

14. anung kwento tungkol sa inyo ng bestfriend mo?

> Sino ba bestfriend ko? Hahaha! Hindi. We're classmates and schoolmates since kindergarten. We super know each others secrects. Actually meron kaming nabuong dreams noong highschool kami, sobrang bored kami dun sa teacher namin tapos syempre kapag bored ka sobrang antok din ang abot mo. E dahil bawal ang matulog sa classroom kasi nga magaling makahuli yung teacher na yun, nagdaldalan na lang kami hanggang sa mapunta kami dun sa dreams naming dalawa. Super dream kaya namin na magkaroon nang Boomboom car [volkswagen topdown], tapos yung school/mall/bahay/fastfood chain/shopping center/theme park/basta yung all-in-one place na nasa isang lugar lang na kami ang may ari. Hahaha! Ang weird noh! Meron pa nga kami dream na magiging pilot siya tapos ako ang flight stewardess niya, pero siya lang ang nakatupad kasi his a certified captain na. Hayyy, super happy ako for you my friend. Basta ayun, pero sana nga magkita ulit kami kasi huli kami nagkita noong graduation day nang highschool. Pero super textmate and super phone pal pa din kami. Hahaha! Ewan, siya lang ang lalaki na kilala ko na super daldal. I MISS YOU.

15. anung kwento nung best movie na pinanood mo?

> Ano nga ba huli kong napanood na movie?
Ahh, sa movie house yung Spiderman 3 tapos sa dvd naman yung Vacancy.
Spiderman 3: Ayos lang. Super tawa lang kami ni hubby sa movie house dahil sa mga "THE MOVES" ni spidey. Ewan, pero hindi ako satisfied sayang pera buti na lang hindi namin sa iMax pinanood.
Vacany: Super ewan din. Basta, ampupu nila. Hahaha!
Ewan, super bored lang talaga ako kaya my mind's not working properly. But I'm super looking forward sa movie date namin nang thesis mates ko, sana lang matuloy diba. We're going to watch Harry Potter sa iMax, kaya super ipon na ako. Wohooo! Can't wait.

16. anung kwento nung last time na lumuha ka?

> I'm such a cry baby. Konting mushy stuffs lang naiiyak na ako. Lalo na kapag sobra na yung tawa ko, grabe umiiyak ako. Ang weird diba, hindi naman kasi ako makahinga sa sobrang kakatawa e. Ano pa ba? Ahh, yung dun sa PBB nong isang araw kung saan pinakita nila yung mga housemates na naka-blinfold tapos madaming mommy na pumasok sa activity area. Naka-upo yung mga mommy in circle tapos nasa center yung mga housemates, then their mom's calling them such as "Bodie, I'm Here!", tapos sabay hug with matching tears. Awwwww! Ewan ko pero super cry baby talaga ako. Minsan nga badtrip na si hubby sa akin e, bu actually he finds it cute. Hahaha! Ang Baduy!


Due to boredom. At grabe it did take a lot of my time. Ahh, Ewan!



btw, I also change the layout on my Ask Whatever Blog. So yea, go check it out.

0 comments: