Tuesday, January 2, 2007

Año Nuevo 2007

haven't gone to any places. dito lang kami sa bahay nag-celebrate nang new year. it's a blast, kahit na medyo konti lang yung fireworks. atleast nakakita pa din kami nang fireworks sa langit, hahaha.
funny nga kasi yung mga clock namin sa cellphone iba-iba ang oras. meron nga dun 12 na pero hindi pa din 12. sabi ko tignan nila sa tv kasi meron countdown dun e. tama ako, meron nga. pero grabe wala pang 12 ang ingay na sa labas nang bahay. meron nga dun as early as 7pm pinapa-putok na ung kanyon na ginawa niya.

picture muna kami habang naghihintay nang 12.

nong nag-12 na grabe nakitalon ako, baka lang kasi tumangkad ako. hahaha. as if naman meron pa akong itatangkad noh.

basta after nang talunan at sigawan at halikan moments. pumasok na kami sa bahay. kainan na kasi. konti lang kami sa bahay: AKO, HUBBY, JONNAH, MARK, JM, GRACE, MOMMY LOLA, MC, RC and KUYA IAN. sayang nga hindi dito nag-new year sila papa kasi kung dito sila sa amin meron sana kami videoke, courtesy of their new magic sing. i want one of those magic sing.

konti lang din handa namin, kasi nga konti lang naman kami sa bahay e. crispy pata, spaghetti, buko pandan, leche flan, ube, empanada. hanggang ngayon nga feeling ko hindi pa din bumababa yung kinain ko e. hindi naman sa super dami nang kinain ko pero ewan.

wala naman kami ginawa masyado. kwentuhan, kulitan. mga ganun lang. medyo boring kung babasahin lang noh, pero super saya talaga. lalo na i've celebrated the new year with my bf, happy ako kasi ilang new year na ang dumaan at kami pa din.

after nang kulitan and stuff, ayawan na. pagod na tsaka antok na kami. kaya uwian at tulugan na.

happy na sana ako. kala ko nga this year's gonna be the perfect year for me e. kaya lang nausog e, kasi meron talaga mga tao na malas sa buhay, na ung kamalasan nila nakakahawa. badtrip tuloy. meron kasi kami bisita kanina, long lost family friend. super cute yung baby nila, kaya picture trip ako. nong pauwi na sila, gusto ko sana na meron ako picture with the baby. kaya lang nahulog yung digicam, ewan ko kung nasira na or what. pero it's not my fault! yung kapatid ko kasi extra, pampam. siya nakahulog, pano hawak na niya nong binitawan ko nagulat na lang ako nahulog na sa lapag. tapos dahilan pa niya hindi pa daw niya hawak, kamusta naman e wala na sa kamay ko diba. ewan, sana hindi ako malasin nang buong taon. pero nong tinignan naman ni hubby sabi niya maaayos pa naman, meron lang daw na-stuck. hayyy, gastos ito. syempre ako magpapagawa nun, care ba nong kapatid ko sa gamit ko diba. care niya kapag gagamitin niya pero kapag hindi bahala ka.
hayyy, ewan. bad vibes. kaya bukas na lang.

sana lang magawa ko ung digicam ko. baka meron kayo alam na service center nang sony. please let me know. meron nga warranty pero for US only. padala pa kasi ni mama e. ewan!

gulo ko magkwento ngayon na. sorry, super depression hits ako e. super not in the mood.


happy na sana naudlot pa.



0 comments: